Ang Pilipinas Noon At Ngayon Essays

(MURAL) “Salvaged Memories,” mural by Randalf Dilla. Courtesy of Hiraya Art and Hiraya Gallery Manila

Noong mga araw na iyon, ang presidente parang hari. Hindi lang sinusunod, sinasamba. Hindi lang kinakampihan, kinatatakutan.

At pinaka-importante, hinding-hindi siya natatanggal sa poder. Pag may eleksyon, panalo siya. Garantisado.

Kahit gaano pa kasikat at popular ang kalaban, ‘yong tropa niya ang panalo lagi. Sigurado.

Buong mundo alam iyon.

May nakakatuwang cartoon noon sa Amerika. Pinapakita si Marcos katabi ng isang heneral niya. Nakabusangot pareho habang pinapanood ang mga demonstrador na hinuhuli ng mga pulis.

Sinasabi ni Marcos, “Mga walang-hiyang ito. Pinaboto na nga, ngayon gusto pa e bilangin ‘yong mga boto nila.”

Ganyan ang diktador. Ganyan si Marcos.

Ganyan ang pamumunong sinasamba ni Ferdinand Bongbong Jr. Ganyan ang sistemang dapat daw e kalimutan na natin sabi ni Jojo Binay.

Sa darating na linggo, gugunitain natin ang ika-43 anibersaryo ng pagbagsak ng batas militar at pagsilang ng diktadura, dapat malaman ninyo ito at tandaan.

Minahal daw ng mag-asawang Marcos, si Ferdinand at si Imelda, ang sambayanang Pilipino.

Sa sobrang pagmamahal, ayaw maalis sa kapangyarihan. Napasarap ng upo sa Malakanyang.

Marami sa inyo sawa na sa pulitika, sa mga balitaktakan ng mga trapo. Marami sa inyo sawa na kay Aquino, kay PNoy.

Pero huwag kayong mag-alala, ilang buwan na lang wala na siya. Itong dapat ninyong tandaan: kahit paano, sa panahon ninyo, ang isang presidente, hanggang anim na taon lang tumatagal.

Si Cory, pagkatapos ng anim na taon, umalis na rin.

Si Ramos, hihirit sanang tumagal, pero noong malinaw na hindi uubra, umatras din. Anim na taon, good-bye na.

Si Erap, sa sobrang gulo ng pamumuno, napatalsik agad.

Si Gloria. Oo, nagtagal si Gloria.

Lampas anim na taon. Pinakamatagal sa mga namuno matapos ang pagbagsak ng diktadura. Siyam na taon. Matagal na iyon para sa marami sa karamihan sa inyo.

Pero isipin ‘nyo rin ito: Si Ferdinand Marcos, ang presidenteng umastang hari, ang diktador na tinaguriang isa sa pinakasakim na pinuno sa kasaysayan— I-Google ninyo ang “most corrupt leaders” para mas malinaw— si Marcos, si Makoy, si FM, nasa poder ng dalawampu’t isang taon.

Bente-uno. 21 years.

Halos dalawang dosenang taon.

Lampas tatlong beses ng karaniwang haba ng termino ng isang presidente ngayon.

Doble sa kinasusuklamang pamumuno ni Gloria. Doble.

Imelda Marcos at husbands refrigerated crypt. AFP FILE PHOTO

Sanggol ako noong unang beses siyang nahalal. Magbe-bente anyos na ako, andoon pa rin siya!

Hindi pa umaalis! Nandoon pa rin!

Eh di wow!

Isipin ninyo yon: Na kung 21 taon ninyong kelangang tiisin si Pnoy, si Erap, si GMA, si Ramos, si Cory.

Walong taong gulang ako noong nag-Martial Law, noong nagsimula ang isa sa pinakamalupit na diktadura sa kasaysayan. Nanganganib daw ang republika sa kanan, sa kaliwa, sa itaas, sa ibaba. At siya lang, si Ferdinand E. Marcos, ang makakapagligtas sa bayan.

May mga magsasabi sa inyo na mas maganda raw ang buhay noong panahon ni Marcos, lalo na noong dineklara niya ang Martial law.

Tahimik bigla. Wala nang rali. Wala ng mga nagrereklamong estudyante at mga manggagawa. Maski nga sa hintayan ng dyip, pumipila bigla ang mga tao.

Tapos daming pabongga at pasiklab.

Miss Universe pageant noong 1974. Panay pa ang dalaw nina Van Cliburn at George Hamilton. Tapos, laking tuwa ng marami (at inaamin ko, maski ako at yong mga kaklase ko sa grade school) noong nagbakbakan sina Muhammad Ali at si Joe Frazier sa Araneta Coliseum.

At sa lahat ng ito, nandoon si Marcos at si Imelda. Ang hari’t reyna. “Si Malakas at si Maganda.”

Sa kanila nakatutok ang nakakasilaw na ilaw. Sila ang bida.

Pero tago sa nakakasilaw na ilaw, sa mga pasabog at pasiklab, sa mga beauty queen at sikat na mga boksingero at artista, tago sa lahat ng mga ito ang kadiliman — matindi at nakakatakot na kadiliman.

Minsan ang hirap isipin ang kasakiman, ang walang katapat na pagnanakaw na naganap noon. Hanggang ngayon, sumusulpot ang mga balita tungkol sa mga dinugas ng diktador. Mansyon dito, mga mamahaling alahas doon.

Pero ang mas nakakasindak, ‘yong ginawa sa mga kumalaban sa diktadura.

Mga kilalang lider tulad nina Pepe Diokno at Ninoy Aquino — pinatapon na lang nang basta basta sa bilangguan.

Mas kawawa iyong mga hindi kilala — mga karaniwang estudyante, manggagawa, madre, pari, mga tatay at nanay na nangahas kalabanin ang diktadura ni Marcos. Sa gitna ng mga pasabog at pasikat, sa kadiliman ng mga kulungan ng militar, walang katapat na kalupitan.

Nangyari ito sa napakaraming Pilipino — ‘yong mga binugbog, ginahasa, kinuryente ang mga ari. Mga pinahiga sa yelo, isinubsob sa kubeta, pinakain ng kung anu-ano, binantaang pahirapan, gahasain, patayin ang mga minamahal sa buhay kung di sila makikisama sa diktadura.

Sa isang banda, masuwerte na siguro ‘yong basta na lang pinatay. Hindi na pinahirapan.

Sa panahon ni Marcos, dahil kay Marcos, natuto ang militar nating umastang hayop — silang dapat sana nagtatanggol sa kapakanan ng mga mamamayan, lalo na sa mga walang kapangyarihan.

Tinuruan sila ng diktador na atupagin lang ang kapakanan ng diktador.

Nangyayari pa rin ang mga kahayupang ito, alam ko. Sinong Pilipinong hindi mabibiyak ang puso sa nangyari sa bayan ng Ampatuan. Sinong hindi magagalit sa patuloy na paghahanap kay Jonas Burgos, sa pagpaslang sa mga Lumad, sa pambubusabos sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita.

Pero ngayon, kahit paano, mas madaling magreklamo. Mas madaling ipamalita ang mga kabulastugan. Noong nakaraan, ang nagrereklamo, namimiligro ang buhay.

Kaya huwag na huwag kayong maniniwala na mas maganda sana ang buhay kung nasa poder pa ang isang tulad ni Marcos.

Kaya huwag kayo sanang maniwala sa mga kaalyado ng diktador na nagnanais makabalik sa poder.

Kaya huwag kayo sanang maniwala sa mga ganid na gustong maghari-harian sa bayan na gustong kalimutan ninyo na ang lahat ng nangyari sa atin noong panahon ni Marcos.

Huwag na huwag kayong maniniwala na mas maunlad sana ang bayan natin kung hinayaan na lang ang masarap na pagkakaupo ng diktador.

Mas may disiplina raw noong panahon ni Marcos. Pero simple lang ang sagot diyan: Ang pambubutangero ay hindi disiplina.

Ang pagnanakaw ay hindi disiplina.

Ang kahayupan – ang torture — ay hindi disiplina.

Ang pambobola, ang pahihikayat sa inyong: “Kalimutan ninyo na ang ginawa ni Marcos. Lumang tugtugin na ‘yon” ay hindi disiplina.

Maraming problema sa bayan natin, alam ko. Marami pa ring nangungurakot, nambubutangero, nandadaya. Pero ito ang pinakamahalagang aral sa panahon ni Marcos: Huwag na huwag kayong maniniwala pag sinabi ng isang pulitiko na siya lang ang pag-asa ng bayan, na siya lang ang may solusyon.

Huwag kayong maniniwala sa indibidwal o grupong umaastang tagapagligtas at tagapagtanggol. Maaaring ang hirit e, dahil militar daw sila at sanay sa bakbakan.

O dahil sapul nila ang wastong linyang pampulitika at sila raw ang inatasang tagapagtanggol ng mga mahihirap at manggagawa, na sila lang daw ang may tamang sagot.

O dahil ginagabayan sila kuno ng diyos.

O dahil galing sila sa tanyag na angkan, at nakapag-aral sa mga sikat na pamantasan sa ibang bansa.

Sa kabilang banda, ‘wag ninyo ring babalewalain ang mga maaaring iambag ng maraming mga indibidwal at grupo, kasama na ang militar, ang mga aktibista, ang mga alagad ng simbahan, ang mga negosyante, at mga kabataang tulad ninyo.

Napaka-kumplikado ng mga suliranin ng Pilipinas. Walang isang grupong alam lahat ng sagot. Pero maraming grupong may maaaring maiambag.

Huwag kayong matakot sa maraming pananaw, sa maraming mga posibleng daan.

Pero ‘wag kayong paloloko sa nagmamarunong. Sa mga nagpapanggap na tagapagligtas.

Sa mga nag-aambisyong maging bagong Marcos.

(This is an updated version of an essay I wrote in 2012.)

Visit the Kuwento page on Facebook at www.facebook.com/boyingpimentel

On Twitter @boyingpimentel

Like us on Facebook https://www.facebook.com/inquirerUSA?fref=ts&ref=br_tf

RELATED STORIES

To young Filipinos who never knew martial law and dictatorship

How much do we know about martial law? You’ll be surprised

The night Marcos declared martial law

Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS: Ferdinand Marcos, Filipino youth and dictatorship, Filipino youth and martial law, kabataan, Martial Law

For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

Malayo na ang narating ng tao sa lahat ng larangan at aspekto. Ang teknolohiya, siyensiya, moda, pelikula, medisina at iba pa ay malayong-malayo na kumpara sa ngayon. Ganundin ang pananampalataya, kaugalian, paniniwala, kasabihan at iba pang lumang nakagawian nang mga tao ay iba na rin sa kasalukuyan. Kung hindi man ito tuluyang nabago ng modernong panahon karamihan naman ay lubusang nag-iba siguro’y nakatakda talaga ito dahil ang tao noon at ngayon ay malaki ang pagkakaiba.

Ano-ano ito?
Halika, liripin natin ang ilang pagkakaiba at pagbabago ng noon at ngayon. Mula sa may kababawan hanggang sa may kalaliman.

Noon. Hindi lahat ng babae ay maganda.
Ngayon. Hindi lahat ng maganda ay babae.

Noon. Ang “virginity” sa kababaihan ay isang malaking isyu.
Ngayon. Pangkaraniwan na lamang sa magkasintahan ang premarital sex.

Noon. Karamihan sa kababaihan ay tipong “Maria Clara”.
Ngayon. Karamihan sa kababaihan ay liberated na.

Noon. Ang tattoo sa katawan ay iniuugnay lamang sa mga preso at ex-convict.
Ngayon. Ang tattoo kahit anong itsura ay itinuturing na form of art.

Noon. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga naka-shorts at nakatsinelas sa mga establisimiyento.
Ngayon. Cool nang maituturing kung ikaw’y naka-shorts ng ubod ng igsi at nakatsinelas lamang kahit saan ka man magtungo.

Noon. (Halos)Libre ang inuming tubig at ligtas kahit galing sa gripo.
Ngayon. Debote na ang tubig at mineral ang tawag kahit hindi naman.

Noon. Ang pagmamano, pag-gamit ng po at opo ay pangkaraniwan lang sa kabataan.
Ngayon. Ang pagmamano, pagsasabi ng po at opo ay bihira na lang at tila ‘di komportable ang kabataan sa pag-gamit nito .

Noon. Kuntento at nakangiti na ang masang Pinoy sa matamis na kamote at kapeng barako.
Ngayon. French Fries at kape sa Starbucks ang paborito nang naghihirap daw na Pinoy.

Noon. Ang singko, mamera lalo’t ang piso ay malaki ang halaga at marami ang mabibili.
Ngayon. Halos wala ng halaga ang sampung pisong nasa bulsa mo.

Noon. Tuwing Huwebes ay may mga bagong pinapalabas na pelikulang Pilipino.
Ngayon. Tuwing ikalawang buwan na lang halos magpalabas ng pelikulang Pinoy.

Noon. May sense ang karamihan sa mga mga programa sa telebisyon, kanta at pelikula.
Ngayon. Kahit walang kwentang kanta ay bumebenta, kahit paulit-ulit na teleserye ay mataas ang rating at kahit na walang kwenta ang istorya ay pwede ng pelikula.

Noon. Malaki ang respeto ng mga anak sa kanilang mga magulang na isang sutsot pa lang ay agad na tumatalima ang anak.
Ngayon. Halos wala ng galang ang mga anak sa magulang. Kahit lawit na ang dila ng magulang sa kakasaway ay hindi pa rin sumusunod ang anak.

Noon. Halos isang tao lang ang kinasusulakman at kinaiinisan ng mga Pinoy sa pulitika.
Ngayon. Halos lahat ng pulitiko ay kinaiiritahan at kinaiinisan ng mga Pinoy.

Noon. Malaki ang pag-galang ng mga tao sa mga Pulis at Militar.
Ngayon. Itinuturing na ng maraming Pinoy na notoryus ang Pulis at militar at tipong ‘di ka ligtas sa kanila dahil sa iba’t-ibang kontrobersiyang kanilang kinasasangkutan.

Noon. Isang sagrado at pinahahalagahan ng husto ang privacy ng mga tao.
Ngayon. Halos lahat na ng mga tao ay isinisigaw at isinahihimpapawid pa ang bawat kilos, galaw at lugar na pupuntahan sa pamamagitan ng facebook, twitter, blog at online journal.

Noon. Itinuturing na luho ang pagkain ng mansanas at iba pang angkat na prutas dahil sa kamahalan ng halaga nito.
Ngayon. Bagamat hindi na luho at mahal ang halaga ng mansanas marami pa rin naman ang hindi makakain nito dahil sa kawalan ng pera.

Noon. Library, Recto at hard to find encyclopaedia ang sources ng research at term papers.
Ngayon. Google, Wikipedia at iba pang search engine sa Internet ang katapat ng anumang impormasyon kailangan mong malaman.

Noon. Napakamahal at aabuting ng mahabang panahon bago ka magka-telepono. Simbolo rin ito noon ng karangyaan.
Ngayon. Minuto lang ang iyong kailangan para ikaw’y magkatelepono at ito ay sa murang halaga.
Noon. Pilit na ikinukubli nang kalalakihan ang kanilang pagkabading.
Ngayon. As early as 10 years old ay lantarang ipinapakita na ang kabadingan.

Noon. Proud ang bawat Pilipino sa likas at taglay na kulay kayumanggi.
Ngayon. Marami sa mga Pilipino ay nais pumuti kaya malakas ang benta ng Glutathione kahit ito’y mahal.

Noon. Halos bawat kanto ay may pabasa o pasyon sa panahon ng Semana Santa.
Ngayon. Halos wala ka nang nakikita o naririnig na pabasa o pasyon sa panahon ng Semana Santa.

Noon. Napakahalaga ng buhay at isusugal at isasakripisyon ng ina ang mismong sarili niyang buhay para lamang sa anak.
Ngayon. Walang pakundangan at walang respeto sa buhay ang marami sanang ina dahil ayon sa pag-aaral higit sa kalahating milyong sanggol ang intensyonal na pinalalaglag taon-taon.

Noon. Ang anumang uri ng panlalait sa kapwa ay itinuturing na masamang gawain.
Ngayon. Ang panlalait ay isa na lang pangkaraniwang ugali ng marami at marami-rami na rin na pinagkakakitaan ang gawaing ito.

Noon. Banal at Sagrado ang pag-gunita ng mga Pilipino sa Semana Santa. Walang radyo, walang telebisyon at walang maingay.
Ngayon. Marami ang sinasamantala ang panahong ito para magliwaliw at magbakasyon sa iba’t-ibang beaches at pool, may mga bukas na bar, sinehan at iba pa maging sa araw ng Biyernes Santo lalo na ang Sabado de Gloria.

Noon. Hinahangaan tayo ng bansang South Korea dahil sa ganda ng ating ekonomiya.
Ngayon. Pilipinas na ang humahanga sa bansang South Korea sa ganda ng kanilang ekonomiya.

Noon. Muntik ng maging mayaman ang bansang Pilipinas.
Ngayon. Ang Pilipinas ay kabilang na sa pinakamahihirap na bansa sa mundo. 🙁

Hindi na nga maikakaila na napakalaki na nang pagbabago’t pagkakaiba ng noon at ngayon. At sa darating pang mga panahon ay marami pa ang magaganap na pagbabago. Kung kailangan nating sumabay sa pagbabago at agos ng panahon ay hindi ko alam dahil maraming pagbabago ang hindi angkop sa nais nating mangyari datapwat tutol man tayo dito ay wala tayong magawa. Madalas kung ano pa ang ayaw mong magbago ‘yun pa ang may malaking pagbabago. Sabi nga eh, walang permanenteng bagay dito sa mundo kundi ang pagbabago (bukod siyempre sa buwis).

About ragubalane

Walang pormal na edukasyon sa pagsusulat pero hindi ito naging handlang upang huminto sa pagsusulat ng kanyang mga saloobin. Nagbuhat sa isang tipikal na pamilya, nag-aral sa pampublikong paaralan mula elementarya hanggang sekondarya. Iginapang ng magulang ang kolehiyo at pinagtibay ito ng diploma at lisensya na iginawad halos dalawampung taon na ang nakararaan. Nag-aral, nagsikap hanggang marating ang destinasyong kanyang nilakbay. Umasam, umasa hanggang matupad ang ilang kanyang inaasam sa buhay. Sumubok, sumulong hanggang makamit ang ilang minimithing tagumpay. Nangangarap ng mabuti at magandang Pilipinas sa kabila ng kawalan ng pag-asa ng iilan. Katulad ng karaniwang tao pilit na binubuhay ang pag-asa kahit habol-hininga na lang ito, hindi bibitiw at susuko kahit batid na ang resulta ng pagkabigo. Hindi matalino pero naipasa ang anumang pagsusulit, hindi matino pero nagpupumilit na gumawa ng katinuan. Madalas na napuputikan dahil sa daigdig na kanyang kinabibilangan ngunit agad na naglilinis at naghuhugas gamit ang inuusal na dasal.

  • Ambulansya ni Mang Rudy- September 14, 2017
  • Huwebes Noon- September 14, 2017
  • D A H I L A N- June 1, 2017
  • Tagumpay At Pagbabago- June 1, 2017
  • May Gulo sa Mindanao (Sa Visayas at Luzon din)- June 1, 2017
  • D I G M A A N- October 26, 2016
  • Tuloy Pa Rin- September 19, 2016
  • Dear Millennials (An Open Letter)- September 19, 2016
  • Gusto Kong Gumawa Ng Nobela- September 19, 2016
  • #Balikbayan Box- August 26, 2015

0 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *